Dumaan ang ilang linggo,naramdaman kong mas naging different yung nararamdaman ko para sayo. Di ko din maidentify kung ano pero I really have that need na maging available para sayo anytime. Di ko alam pero parang gusto kong lagi mo kong inaupdate sa mga nangyayari sayo kahit wala naman akong karapatan na magdemand ng kahit katiting sa oras mo dahail alam ko na hindi tayo. Ni hindi ko nga rin alam kung anong nararamdaman mo sa akin eh,mahalaga at masaya na ako sa kahit kakarampot na atensyon o oras na nilalaan mo sakin. Okay na ko dun. I wanted more,yes,wanted. I wanted more but I never told you.
Dumating na nga ang di natin inaasahan pareho. Nawalan ka ng trabaho dahil sa isang issue na wala kang kaalam-alam. I was there for you. I tried to be very accomodating whenever you curse the world sa mga bagay na nangyayari sayo. I extended and reached out dahil alam na alam kong kailangan mo ng isang kaibigan. Oo,kaibigan. Dahil sa tingin ko ay di mo na nga makukuha pang magkaroon ng relasyon as of the moment. I kept my feelings. I never told you.
Then there was Chris. Naging shaky na ang communication natin dahil nga bihira ka na magpaload. We see each other less often and I felt a bit sad. Dumating si Chris sa buhay ko and naging kami. I told you that and you sounded so surprised. That look in your eyes when you found out confused me. Bakit ganyan ang mga tingin mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang? Ewan. Di ko alam kung anong nasa isip mo nung mga panahon na yun,ang alam ko ay halfheartedly committed ako kay Chris at di ko alam ang nararamdaman mo sakin. Sadly,naging dahilan ka ng mga away namin ni Chris. I still think of you nung kami pa ni Chris. Kahit di natin alam kung ano ba talaga ang tingin natin sa isa't-isa.
Ilang buwan ang nakalipas,naging single ako ulit. Wala na kami ni Chris dahil sa mga bagay na di naman mapagkasunduan. Naging mas okay ka na ulit,nakahanap ka na ng trabaho at nagiging okay na ang finances mo. Clarification:I never was interested with your money,I have my own. The only problem na hinaharap mo ngayon ay ang ilan sa mga isyung pampamilya.
I remember you texting me na ibabalik mo na yung book na hiniram mo. After many months,magkikita tayo ulit. I was thrilled with that thought pero somehow kinakabahan akong makita ka ulit. Paano kung nagiba ka na? Paano kung di na tulad ng dati yung pagtrato mo sakin? Paano kung ganito? Paano kung ganyan? Bakit ko ba iniisip yun? Bakit ko pa ba iniisip kung nagbago ka sakin? Does this mean you still matter? Does this mean you still have a place here in me? I don't know. I kept my feelings.
Dumating ako sa tapat ng bahay nyo. Nakita kitang nakaupo sa gutter katapat ng pinto sa inyong bahay. Salo ng mga kamay mo ang iyong mukha. Naamoy mo ata ang pabango ko at bigla kang lumingon sa akin. You still wear that same old smile,pero this time is different. I felt that you feel a bit bad. Lumapit ako sayo and you moved to give me a seat. I sat beside you.
All of a sudden,you placed your head on my right shoulder. Naamoy ko na naman yung mabangong bench wax na lagi mong ginagamit. With the way you placed your head on my shoulder and your hand in mine,it felt orgasmic. It's really amazing,simple things and simple gestures that you do make me feel satisfied. Ikaw lang nakagawa nyan after the trainwreck.
“Kamusta?” I asked.
“Hindi okay bhe.” sagot mo.
“Bakit?”
“Si Kuya eh.....”
Nakinig ako sa lahat ng sentimyento mo about sa kapatid mo. Nanatiling ganun ang posisyon natin,kahit na madaming taong dumadaan di mo ko binitawan. Hinayaan mo lang na makita nila tayo,dalawang lalaking magkaholding hands. Iba ang naging impact sakin non,parang na-boost mo yung kabaklaan ko. Ikaw lang ang nakagawa non.
Natapos tayong magusap. Tumayo tayo at inabot mo sakin ang libro. Ngumiti ka,sumagot ako ng isang ngiti. Tumitig ka sakin,halos matunaw ako. I kept my distance. Di ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Nung nakatingin ka,gusto kong umiyak. I know that everytime you look at me,I really want something more. Pero di ko maidentify kung anong pumipigil sakin na mahalin ka. Or kung anong bagay ang pumipigil sakin na tanggapin kong mahal na nga kita.
“Ingat.” sabi mo.
Ngumiti lang ako at tumalikod. The moment I turned my back,a teardrop fell from my left eye. Naglakad akong papuntang sakayan. Iniisip ko kung anong ibig sabihin nung mga hawak mo ng kamay. Yung sweetness mo and all that. Di ko din maintindihan ang sarili ko. There's a part of me na gusto kang kausapin at linawin lahat,pero may malaking parte sakin na natatakot dahil baka di mo naman nararamdaman ang nararamdaman ko,baka sadyang sweet ka lang.
Nakauwi ako ng bahay at agad akong humiga. Parang napagod ang paa ko kakalakad,ang isip ko kakaisip,ang puso ko kakaasa.
* * *
Ilang buwan ang nakalipas. Nawala ka na naman sa sirkulasyon. Nawala ka na naman sa sistema ko. Nawala ka na naman sa buhay ko. Babalik ka pa ba?
Kung kailan nakakaadjust-adjust na ako with thought of you being busy and not being around.
You,all of a sudden texted me.
“Kamusta bhe?” text mo
“Okay naman. Ikaw?”
“Miss kita.”
Napahinto ako sa message mo na yun. Di ko din maiwasang di kiligin. Napaisip ako ng isasagot.
“I miss you too bhe.” sagot ko.
“Di ka na nagtetext sakin masyado ah? Umiiwas ka ba?” tanong nito sa akin.
“Ha? Hindi ah. Diba busy ka?” tanong ko.
“Haaay bhe naman eh.”
“Why?”
It took minutes bago ka sumagot.
“Bhe,namimiss ko na yung pagdinner ko sa inyo.” text mo
“Those were the days.” sagot ko.
“Yep. Yun yung mga panahong una tayong nagkakilala.” sagot nito.
“Yeah.” maiksing reply ko.
Napabuntong-hininga ako dala na rin ng frustration na di ko maispell kung ano ba talaga tayo?
“Sorry bhe,I messed up.” text mo sakin,
Nagulat ako sa text mo na yun. Di ko maiwasang magisip kung ano bang ibig mong sabihin. Napansin ko nalang na may luha na palang pumatak sa screen ng nakalapag kong cellphone.
I grabbed my phone,wiped the tear on it,sent you a response.
“Sorry san?” nagtatangatangahan kong reply.
Alam mong alam ko kung anong ang ibig mong sabihin don. Pero pinili kong magtangatangahan,nararamdaman ko kahit alam kong walang linaw sa atin lahat. Kahit wala tayong label,pero gusto ko din namang malinaw mo to lahat.
“Sorry sa lahat. Parang puro problema at puro negativity lang ang naging dala ko sayo. Alam kong sakit lagi ng ulo mo sakin pero pinagtyagaan mo ako. Salamat sa lahat.” reply mo.
Napangiti ako sa nabasa. You never had the chance to say thanks to me in person. Eto yung unang beses na nagpasalamat ka. I feel so happy.
“Bhe,minahal mo ba ako?” tanong ko.
Ang tagal ng reply mo. Inisip kong ayaw mong sagutin ang tanong ko. Hinayaan ko nalang.
Makaraan ang limang minuto nagreply ka.
“Almost bhe.”
“Almost. Salamat bhe.” reply ko.
Ngumiti ako ng mapait. Masaya na rin kahit papaano ay nalaman ko na muntik mo na din akong minahal.
W A K A S
No comments:
Post a Comment